Mga kapatid! Sana po'y dumating sa inyo ang mga kuwentong ito bilang katuwaan at pagpapatunay na kahit sa mga malulungkot, delikado at seriosong mga tungkulin, tayo'y maaaring magka-isa, magkasama ng maligaya at masaya!
Ito'y isang kuwento tungkol sa mga alamat (si Senior, Junior at the 3rd) ng Orion, Bataan at iba pang kahimahimagsik ng kaloobang mga pangyayari sa landas ng buhay!
Ang mga landas na itoy'y tinahak, dahil sa tinaguriang "magic of technology" --- napadalan kami ng "text-advice" tungkol sa mga pangyayari sa Bataan, at walang pag-aatubiling nag "text-back" (mas mura sa piso kung sun cellular to sun cellular na singkuwenta sentimos lamang! hahahaha!).
Ang unang landas na "isinulong" naming tahakin kahapon ay ang pagbisita ng bangkay ng dugong-kapatid ng ating kapatid sa masoneria. Ang ikalawang landas na pilit naming tahakin kahapon ay isang opisyal ding panunuri at pag-iimbestiga tungkol sa isang aplikante (si Mar San Miguel) natin sa ating logia (LPDO). Ang "naming" ay ang mga sumusunod: Si "Alamat, Sr.", si "Alamat, Jr.", si "D'3rd", si "Jack-ala-Titanic-Worshi", si Bro. Rick, si "4th Row", at ang inyong lingkod si "Grasshopper1034" (sama na din natin ang anak ko, na sumabit sa akin - si "7yr.old-Please Tell Me-the kid"). Kayo na lang po ang bahalang umalam kung sino-sinu ang mga ito (at gawin po nating isang tagisan ng talino...hehehehe!!!)
Kaya ayun kami...nag-umpisa sa tatlo (si Bro. Rick, si Alamat, Sr. at ako - Grasshopper1034) bago mag 7:30 ng umaga....nandun na kami sa terminal ng mga lantsa sa CCP, hangga't dumating pa ang dalawa pang kapatid (si Alamat, Jr. at D'3rd). Lulan kami ng lantsa, na nagpaka gewang-gewang...sayang...at sa kalagitnaan ng pighati ng nararamdamang bumubulwak na kalamlam (dahil salakas ng alon), at napapaligiran pa naman kami ng tila mga anghel sa kagandahan at mga tili ni Junior na "wahhhhhhhhh!!!" kapag may along malakas na dumating. Si Junior lang ang parang nag-enjoy sa alon, si D'3rd ay tumahimik sa tabi ko, akala ko dahil pagbibigay paumanhin sa akin na sa mga panahon na yon ay pinagpapawisan ng malapot at pumikit na lamang dahil sa hilo! Si Senior naman, upang di ma-apektohan ng alon ay di na lamang tinanggal ang kayang shades ala Keanu Reeves/Matrix, upang siya na nga'y matagurian: The One! Hahahaha!!!
Sa awa ng Arkitekto ng lahat, kami'y nakarating sa Orion, Bataan, lulan ng lantsang pinagsasampal ng alon, nguni't binati ng dalawang maningning na mga mukha ni "Jack-ala-Titanic-Worshi" at ni the "4th Row". Dali dali kaming dinala ng dalawa - 'di sa patay, di sa aplikante, di man lang sa almusal - kundi sa palengke...dahilan si Junior ay gustong bumili ng alimasag upang mai-uwi sa kay Mrs...upang maiwasan muli ang 'sang pag-iisanila ng alagang si Bantay sa likuran ng kanilang bahay! Hahahaha!!!
Matapos ang pakikipag-palitan ng tawad sa mga palengkera ng palengke sa Balanga (dun nga ba?), kami'y na-upo sa isang kagandahang gusali ng McDo...at dun kami'y kumain ng mga paboritong McDoMeals! Hahahaha!!!
Matapos kumain, dumiretso na kami sa bahay ng kapatid na yumao ni Ka Noli Rubiano (alyas, Bro. Ruby Shaw Boulevard; alamin na lang ang kuwento ng Alamat ng Shaw Boulevard sa susunod na pagkakataon). Duon kami nakipanayam sa mga pamilya ni Bro. Rubi ng naghigit siguro ng isang oras, bago kami dinala ni Bro. "The 4th Row" sa kanilang compound na iilang hakbang lamang ang layo mula kina Bro. Ruby para mananghalian. Dito kami umasal na parang mga nakawalang mga biik!!! Naghain ng pinaka-matamis na alimasag, pina-preskong pritong tilapia, pinaka-matamis na pinya at mangga, bagong lutong mane at ika-nga pinaka "coup de grace"...malamig na beer!!! Ang kainang dapat tumila ng ala-una y media, ay natapos ng als dos ng hapon....at tumila na lamang dahil kailangan humabol sa bahay ni Mar at makapanayam ang kanyang lolo, nanay at maybahay.
Habang kumakain ng pananghalian nakapanayam namin ng maige si Mar...nakita niya "1st hand" ang samahan ng mga mason at tiga LPDO. Pati nga si "7yr.old-please tell me- the kid" ay na "curious" kung bakit gusto ni Mar sumali sa ating sorority - este fraternity. At siguro naka-gising lalo ng pagnanasang maging mason kay Mar, sinabi ni "7yr.old-please tell me- the kid" na lahat duon ay kanyang "Dad" maliban sa kay Mar!
At siya'y kaming lahat ay nagtungo sa bahay ni Mar (bitbit ang mga pauwi / pasalubong sa amin na mga pinya, mangga at iba pa...paalala lamang, wala pa yung mga "jansport" na back pack, adidas at nike na rubber shoes! hahahaha!!!). Duon namin unang nakita ang lola ni Mar... na mukhang masayahin...yung maybahay ni Mar na si Rose...na napaka grasiosa (at may pabalot pa siyang mga Cambodian mangoes sa amin!)... at ang nanay ni Mar...na may bigasan/rice mill...ah...este...ang ibig kong sabihin, nakausap at natanong namin kung sila'y may alam sa pinapasukan ni Mar.
Di na kami nagtagal masyado at hinahabol na namin ang alas tres na lantsa pauwing Maynila.
Sa hampas ng ulan at hangin sa windshield ng mga sasakyan namin, habang nakikita ang mga tanawin bukiran at Mount Samat, na may higante crus sa tuktok (na ang pagkaalam namin at may elevator sa loob at maaaring maging obserbatorio sa tuktok na may taas ng "32 floors / storeys", according sa aming tourist guide na si Jack-ala-Titanic-Worshi"), kami'y nakarating sa terminal bago nag alas tres, kitang kita namin ang lantsang parating..
NGUNI'T....
pagbaba namin mula sa mga sasakyan, ay kinakawayan kami ng mga security guard (na mga guwapo at matipuno ang magtindig... Hayyyy!!!)... sa aming akala'y para kaming dumarating na mga kilalang artista ng noon-time shows, yun pala'y upang sabihan lang kami na "CANCELLED" ang mga pauwing-Maynila na lantsa!!! Dahilan dun, naisip naming mag renta ng isang van...na diretso na kaming dadalhin sa CCP. Dinala muna kami ni Bro. "Jack-ala-Titanic-Worshi" sa "Joyous", isang kainan at inuman, upang makalimutan panandalian ang hinagpis ng napag-iwanan sa pier, na tulad namin! Para sa inyong ka-alaman, ito'y isang restawran sa gitna ng tinagurian millionaire's village sa Bataan. Sayang at walang banda tumutugtog nung dumating kami. At di naman kami nanghinayang na walang GRO kundi CG lamang ang mayroon (alamin nyo na lang din ang ibig sabihin nun mga katagang yaon, mula sa kuwento ng Alamat ng San Pedro!) Ha ha ha ha !!! Habang nagpapalamig ay lumabas ang mga lokohan tungkol sa terminolohiyang "decline" (alamin nyo na lang ang kwento ng "Alamat ng Decline at Palawan, daw" na may susunod na yugto na tinatawag na Alamat ng Nueva Ecija, daw"!)! Ha ha ha ha!! Di nagtagal, at si Mar ay may nakuhang van na minamaneho ni Mang Erning. Nagkayari sa renta agad at kami'y bilisang nag umpisang tungo sa Maynila. "Imaginin" nyo na lang....pitong oras kaming magkakasama sa van na iyon...at kahit na pagod kaming lahat...di tumila ang kuwentuhan at tawanan at alaskahan.... pinaka - importante ang pag-uuusap ng serioso tungkol sa LPDO (teka, pangalawa lang pala, kasi bumuli din kami ng ice-cold beer na ininum namin pauwi...kaya yung ang pinaka importante!). Hahahaha! Sa katunayan, dapat apat na oras lang kami, kaya lang dahil kay Junior at ang kanyang walang katila-tilang pantog... nanga-ilangan kaming huminto sa mga mapanglaw at madidilim na sulok sa highway!!!! Siyempre pa, nakaroon ng panibagong mga kataga si "d'3rd": "Parang galit ka yata, bro!" Hahahahaha!!! Ang pinaka-"highlight" ng aming "trip" ay nang-kumanta ang aking anak (si "7yr.old-please tell me- the kid") ng "Please tell me" ni Joey Albert, at nag second voice kaming lahat!!! hahahaha!! Tulad ng isang posting sa ating website....itong pangyayari sa amin kahapon ay isang "bonding experience" na sana'y maulit pang muli! Kaya sa mga interesado...magkakaroon ng kuwento ng "Alamat ng Padi's Point" sa Huwebes....kung iyong pagnanais... sama din kayo upang tayo'y mag-"bonding"!!!
MORAL OF THE LESSON:
Our fraternity guides each and everyone of us, even in the most intricate mazes of this life of ours, that even in various routes of this life, which are expected to be dreary, dull, sad, melancholy and reeks of duty and obligation, the essence of brother love, relief and charity come to the fore! Also, this experience related above, while laced - it is hope - with humor, emphasizes our insignificance in the eyes of the Great Architect above (for the launch which we were riding, could easily have been the launch that collided with a ship off Corregidor, which was very near, where we were!), who in a blink of an eye may either grant us the merriment, which all longs for, or end this journey we are on, even up to his throne above!
I hope that we will see one another and additional new faces on Thursday! Have a great week ahead, my brothers!
The Alamats
Gurang
D’Matulis
It’s-A-Boy
Kumon
Apache
Gautama
C.I.A.
Mini Me
D'One
Harry Potter
Ichabod Crane
One-Shot
Mangyan
Ampalaya Kid a.k.a. Gary V.
Sensitive
4th Row (with objection) a.k.a. Beybitoy
Junior
Grasshopper
Conduktor
Animo
Ben David
D'3rd
Palos
Bugawlaw
Old Timer (O.T.)
69 Ocho-Ocho
Aga
Rise of Bataan a.k.a. Charles Bronson
Little Wee Wee Boy in Red Shirt
Bondying
Japan
Short Time
Bloody Zet
SISA
V -
S -
T -
Dessert Storm
Kato
Pusher
Total Wreck
Tatlong Putok
Sundowner Kid a.k.a. Happy Hour
Beinte Otso and a Half
Beinte Nueve
Esmeralda
Metusaleh
Senior
Gweilo
Cannonball
Skyline Pigeon
Secret Marshall
Sky King
Felix Bakat
Annie Batungbakal
Ruby a.k.a. Ruby along Shaw Blvd.
5oh1
KAMASUTRA
Zuma
N.A.B.
Southwoods
Swaztica
High Waist Gang
Pretty in Pink